Thursday , November 21 2024
Bianca Tan Believe It Or Not

Bianca Tan ng pelikulang Believe It or Not? may-K maging kontrabida

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAKARE-RELATE ang maraming kabataan, lalo na ang mga estudyante sa advocacy film na Believe It or Not? na nagkaroon ng celebrity screening last October 19 sa Gateway Cinema 3.

Tampok sa pelikula sina Bianca Tan, Potchi Angeles, Shira Tweg, Dwayne Garcia, Daffne Louise, Niño Vergara, Jared Miguel, at iba pa.

Ang bullying ay iniuugnay din sa feelings ng insecurity, poor connections at social support, poor academic performance, ng risk of depression, at iba pang mental health problems.

Sa pelikula, si Bianca ay isang bully na pineperhuwisyo, ipinapahiya, at sinasaktan ang kanyang schoolmates, sa tulong ng mga kapwa estudyante na napapasunod niya dahil sa kanyang pera at madalas niya silang ilibre.

Ipinapakita sa pelikula, ayon sa direktor nitong si Direk Errol Ropero, ang mensahe na ang bullying ay nakaaapekto sa lahat, kahit sa mga nakakakita lang nito.

Anyway, newcomer man si Bianca, na actually ay first movie niya ito, pero effective siyang kontrabida na binu-bully ang mga schoolmates niyang hindi pumapalag sa kanyang grupo.

Inusisa ang aktres kung ano ang preparations niya o kung sino ang peg niya sa kanyang kontrabida role sa movie.

Esplika ni Bianca, “Iyong background ko po ng bullying, I got it from Korean dramas po, iyong mga bullies po…. Sila ‘yung parang guide ko.”

Aniya, “Maaga po ang start namin, like 6:00 am nang nag-start po kami ng shooting. So, high blood na po ako agad sa start pa lang at kailangan ko na po agad magtaray. Nahirapan din po ako after ng scenes, kasi po kapag lagi akong galit (dahil sa role), parang ang sakit na po ng ulo ko.”

Ibinahagi rin niya na noong elementary ay nakaranas din siyang ma-bully.

Pahayag ni Bianca, “Noong nasa elementary school ako, I was bullied for my height. Pero lagi po akong ipinagtatanggol ng sisters ko.

“Wala naman pong gustong maging masama, kapag may taong bully, sana kausapin natin sila or intindihin dahil hindi naman natin alam iyong mga pinagdaraanan nila sa buhay.”

Nagpasalamat din si Bianca sa suportang nakuha sa kanilang pelikula.

Sambit niya, “Bago po talagang experience ko sa pelikulang ito. Iyong mga nakapanood po ay sinasabihan nila ako na, ‘Nakakainis ka!’ Ibig pong sabihin, talagang effective iyong pag-arte ko. Siyempre po, thankful ako sa guidance ni Direk Errol and my fellow cast members.”

Ang dalawa pang bida rito na sina Potchi at Shira ay nagpakita ng magandang performance sa pelikulang ito. Pero mas nangibabaw ang kilig na hatid nila sa moviegoers.

Ayon naman kay Shira, mahalagang paksa ang bullying at mabuting maging aware ang lahat sa bagay na ito.

Although nabanggit din ng magandang aktres na hindi siya nakaranas nito.

“Never po ako na-bully. Bullying is an important topic. It’s very serious, I had a friend na na-diagnose with depression dahil sa bullying. As her friend, I wanted to be there for her, kasi super-hirap talaga. Bullying is not a joke. Kaya itong aming movie, mapapalabas ito sa schools at makatutulong sa students.”

Ang pelikula ay ipalalabas sa iba’t ibang schools, nationwide.

Incidentally, abangan dito ang special participation at performance ng kilalang P-Pop group na BILIB, na kinanta rito ang single nilang “Say Watcha Wanna Say”.

Ang Believe It or Not? ay hatid ng A&Q Productions Films and AFA Entertainment and Prime Stream, Inc., na ang executive producer ay si Atty. Aldwin F. Alegre.

About Nonie Nicasio

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …