Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quadcom Hearing

Quadcom hearing mas feel panoorin ng netizens kaysa teleserye

HATAWAN
ni Ed de Leon

DAPAT mabahala ang mga artistang gumagawa ngayon ng mga serye sa telebisyon. Mas pinag-uusapan ngayon sina Cong Romeo Acop at Cong Joseph Stephen Paduano at ang dating aktor na si Dan Fernandez dahil sa hearing ng Quadcom, kaysa kina Coco Martin at Alden Richards. Mas bukambibig ngayon si Congresswoman Gerville Luistro kaysa kina Barbie Forteza o Sanya Lopez

Eh kasi nga mas naging exciting  sa mga tao iyong mga natutuklasan nila sa mga POGO at sa EJK na ngayon lang lumalabas. Hindi lang iyan parang pakikipagbarilan ni Tanggol kundi ang mismong pagpatay sa tunay na buhay kay General Wesley Barayuga na pinag-planuhan pala ng dalawang koronel. True to life iyan eh, hindi teleserye lamang. Tinatalakan nila ang mga resource person na sinungaling at ipinakukulong pa, walang binatbat ang mga talak ni Rhoda.      

Kung hindi mo man maabutan ang imbestigasyon ng live sa tv, ang dami namang mga naka-repost sa internet at mapapanood mo rin ng buong-buo. Totoo ang sinasabi nila, mas mataas ang rating ng Quadcom hearings kaysa mga teleserye ngayon.

Kaya tingnan ninyo, kahit na sinasabi nilang mataas ang ratings nila bilyon pa rin ang lugi ng ABS-CBN, kasi nagpipilit silang network sila kahit wala namang prangkisa at ngayon iyong ipinagmamalaki nilang on line replay nila tinatalo ng hearing ng  Quadcom.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …

Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Hating Kapatid good venue para maipakita ibang side ng Legaspi family

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG malaking blessing para kay Cassy Legaspi, ang GMA drama series na Hating Kapatid sa kanilang …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mentorque at GMA movie star studded

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …