MATABIL
ni John Fontanilla
INALIPUSTA ng ilang netizens ang hitsura ni Isabel Oli-Prats nang i-post nito sa Instagram ang kanyang litrato na kalong-kalong ang anak.
Simple lang ang ayos at walang make up ang aktres at naka-pambahay lang.
Mula sa Instagram ay may kumuha ng nasabing larawan at inilagay sa Facebook at doon na nga bumaha ang komento mula sa mga netizen na nagulat at nanibago sa hitsura ng misis ni John Prats.
ilan sa mga naging komento ng netizens ang sumusunod.
“Omg! What happened to Isabel? She used to be beautiful.”
“Sobrang ganda nito dati.”
“Akala ko yaya sya ng anak ni Isabel Oli.”
Habang ang ibang mga tagahanga naman nito ay ipinagtanggol si Isabel.
“If you see Isabel Oli in person napakaganda pa din nya even without make up, my bad hair days talaga tayo bilang tao.”
“She is still beautiful and her inner peace says them all. Iba na ang meaning ng beauty.”
“Nakababa ang angle ng camera at naka headband siya kaya parang distorted ang picture sa camera. Obvious naman na maganda at makinis ang face niya. Kayo talaga.”