Sunday , December 22 2024
Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco Gumabao nag-aral para paghandaan pagkandidato

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABUTI naman at naghanda pala kahit paano si Marco Gumabao kasabay ng kanyang pagkandidato bilang congressman sa Camarines Sur. Kumuha pala siya ng isang special course on Public Administration Management at kasama pang nag-aral si Cristine Reyes

Nakatatamad nga namang mag-aral ng walang kasabay at saka halos ganoon din ang gastos mo, kasi nga special class naman iyan eh. Hindi masasabing dahil diyan ay mahusay na siyang makagagawa ng mga batas, marami pang kailangang matutunan at kailangan ang karanasan. 

Kung minsan kahit na anong ganda ng panukala mo, kung hindi mo naman makumbinsi ang mga kasama sa kongreso hindi magiging isang mabuting batas, hindi ka rin makalulusot. Iyan kasing paggawa ng batas lagi iyang isang collegial decision.   

Ang panukala ay kailangang patibayin ng bilang at ang pagpasa niyan ay ganoon din.

Hindi ka basta makagagawa ng batas dahil lamang sa gusto mo. Kailangan magustuhan din iyon ng nakararami. Kasi naman ewan ba kung bakit congressman agad ang tinakbo niyang posisyon. Ang maganda sa ganyan, magsimula muna sa lokal na pamahalaan para masanay bago sumabak sa kongreso. Kung sabihin nga nila, parang Vilma Santos formula. 

Nagsimula muna bilang mayor, governor at saka sumabak sa kongreso. Nang dumating siya roon medyo sanay na at marami na ring kakilala. Gayunman, medyo nanibago siya dahil ang lahat nga ng desisyon ay pinagbobotohan pa. Pero nagdaan din siya sa pagsubok. Noong una niyang term sinabihan naman sila na aalisan ng committee ang mga hindi papabor sa pagbabalik ng death penalty. Kinonsulta niya ang mga tao sa Lipa, ayaw nila noon, kaya tinutulan din niya ang death penalty. Inalisan nga siya ng committee sa house. Pero noong sumunod niyang term, dahil napatunayan naman niya ang kakayahan, siya ay piniling deputy house speaker. Pero iyon nga ang formula niya, bago siya sumabak diyan, nagsanay muna siya sa mga local position. Nang sumabak siya sa kongreso may kredibilidasd na siya. Hindi iyong maski nga sa barangay wala kang karanasan tapos congressman ka agad.

Pero baka magabayan naman siya ng tatay niyang si Dennis Roldan, na ilang ulit na ring naging kongresista bago nga nasabit sa kidnap for ransom case na naging dahilan kung bakit siya nakakulong ngayon. Siguro naman mabibigyan niya ng advice si Marco.

At saka at least alam nating nagsisikap naman siya kaya nga nag-aral pa siya sa UP bilang paghahanda kung sakali nga at manalo siya sa Camarines Sur.

About Ed de Leon

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …