Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Edgar Allan Guzman Shaira Diaz Rhea Tan

EA at Shaira magkakaroon na ng ‘baby’

MATABIL
ni John Fontanilla

SUPORTADO ni Edgar Allan Guzman ang GF na si Shaira Diaz, sa pagiging ambassador ng Belle Dolls by Beautederm (Stemcell Juice Drink—Strawberry Lychee Iced Tea; Chocolate Drink—Dark Chocolate; Vitamin C Capsule, Pure Glutathione Capsule, Collagen Juice Drink—Kiwi, Avocado, Cucumber, at Healthy Coffee—Caramel Macchiato Original Blend ni Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Present si EA, na isa ring ambassador ng Beautederm, sa launching along with other Beautederm ambassadors na sina Ms Slyvia Sanchez, Ms Lorna Tolentino, Kitkat, Alma Concepcion atbp. na ginanap sa Novotel Araneta Center Quezon City.

Ayon kay EA, masaya siya na kasama na niya sa pamilya ng Beautederm si Shaira kaya naman very thankful siya kay Ms Rei.

Maging si Shaira ay labis-labis ang pasasalamat kay Ms Rei sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging part ng Beautederm Family (Belle Dolls). Habang touch na touch naman at kinilig si Shaira sa suporta ng kanyang BF at sinabi nga nito na abangan ng publiko ang baby nila ni EA na ang tinutukoy ay ang kauna-unahang negosyong bubuksan nilang dalawa.

Bukod kay Shaira kasama nito bilang Belle Dolls ambassadors ang mga kapwa Kapuso at Sparkle na sina Miguel Tanfelix, Sofia Pablo, at Ysabel Ortega.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …