Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tony Labrusca

Tony umiinom para mag-relax ‘di para malasing

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI pinapansin ni Tony Labrusca ang mga tsismis na nakikita siyang umiinom sa isang bar.

“Alam naman nila na ang iniinom ko lang talaga wine, hindi naman iyon liquor. Sa akin pang-relax lang iyon, hindi naman  para maglasing,” sabi ng aktor.

Naging issue na kasi talaga kay Tony iyong basta nalasing siya nahahalo sa gulo. Kaya nga kung umiinom man siya nagyon, alalay lang at narooon ang lahat ng pag-iingat. Lalo na nga sa panahong ito, mahirap ang malasing lalo na sa labas, dahil ngayon pati lalaki nare-rape na rin. At huwag ninyong sabihin na kung makikita nilang lasing si Tony walang magnanasang halayin siya. Iyon ang mas mahirap. Hindi lang din naman minsan kaming nakarinig ng kuwento tungkol sa isang lalaking hinalay nang malasing sa isang watering hole sa Makati at Taguig. 

Kalat din ang nangyari sa isang male model na nang malasing sa isang watering hole, tinangay ng isang grupo ng mga bakla, hinayaan lang naman ng mga nakakita dahil sa akalang tutulungan, iyon pala dinala na nila sa kung saan at hinalay. Tapos ibinalik siya sa kotse niya sa parking ng watering hole. Nang magising siya at saka na lang niya nalaman na nilaspag pala siya. Pero sino ang irereklamo niya, lahat naman ng tanungin niya ay walang nakakakilala sa mga tumangay sa kanya. 

Kaya iyan ang leksiyon. Hindi dahil lalaki ka ay ligtas na kayo sa mga ganyang bagay, sa dami ng mga bakla ngayon, delikado na ang mga pogi. Kung iyon ngang hindi pogi nahahagip pa rin eh.

Iyon namang kay Tony, ok lang iyon basta talaga hindi sosobra.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …

Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Hating Kapatid good venue para maipakita ibang side ng Legaspi family

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG malaking blessing para kay Cassy Legaspi, ang GMA drama series na Hating Kapatid sa kanilang …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mentorque at GMA movie star studded

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …