Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julie Anne San Jose Rayver Cruz Rodjun Cruz Dianne Medina

Pamilya ni Rayver ‘di na dapat magpaliwanag

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI matapos-tapos ang apologies para kay Julie Anne San Jose. Pati ang buong pamilya ng kanyang syotang si Rayver Cruz, sina Rodjun at asawang si Dianne Medina, nakasuporta sa pagtatanggol sa singer/aktres.

Eh ano pa ba ang ipaliliwanag? Hindi ba inimbestigahan na ng Obispo, inamin na niyong pari ang kasalanan niya dahil napabayaan niya. Eh ano pa ba?

Ang tanong na lang ngayon, ipagpalagay nating kasalanan ng Sparkle dahil hindi siya nasabihan. Ipagpalagay na rin nating kasalanan niyong pari na nakapagpabaya. Dapat bang ituro pa ang proper decorum kung ano ang maaaring isuot at hindi sa loob ng isang simbahan, at ang kilos na dapat o mali sa loob ng simbahan? Iyon nga lang mga batang naglilikot sa simbahan inaawat ng magulang eh, ikaw sasayaw ka pa ng Dancing Queen na ang damit ay makalabas na ang hita? Pumasok ka nga lang sa simbahan na ganoon ang suot hindi na bagay eh.

Hindi na kailangang ituro iyan. Common sense na lang eh. Kaya lang masyado kasing obvious iyon nagpaliwanag na ang lahat ayaw pa rin nilang tumigil. Hindi dahil marami ng nagtatanggol sa kanya ay hindi na mali ang ginawa niya. Mali pa rin iyon at ang mahalaga natuto na siya at hindi na niya dapat ulitin ang ganoon. Hindi na kailangang magpaliwanag pati ang pamilya ng syota niya. Ano mang paliwanag ang gawin nilang lahat kung ano ang nasa isip ng publiko, iyon na iyon.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …