HATAWAN
ni Ed de Leon
ANO pa nga ba ang aasahan mo sa ABS-CBN, pati pala iyong dating brand manager nila sa Cinema One umalis na at lumipat sa Vivamax. Ano nga ba naman ang gagawin mo sa isang cable channel na mahina na rin naman dahil wala halos mailabas na bagong pelikula. Wala na ring puhunan dahil sarado na ang ABS-CBN na siya nilang pinagkukunan ng budget. Wala na rin halos ginagawa ang kanilang Star Cinema, kasi wala na ring pera. Lahat kasi ng kompanya nila ay naging subsidiary lang ng ABS-CBN, kaya kahit na kumita noong araw, balik din ang kinita sa ABS-CBN, eh nasara?
Ang tanong nga ngayon “quo vadis?” Saan ka pupunta? Kahit na medyo mababa ang posisyon at medyo mas maliit ang suweldo kaysa dating kita. Aba mas ok na iyan kaysa wala kang kita dahil nakasiksik ka sa isang saradong kompanya na patuloy na nalulugi. Pinipilit nilang mag-survive kahit na halos imposible na, para makapanatili sa posisyon ang mga amo, sabihin mo mang patuloy na nababaon sa utang ang mga kapitalista. Nagtatrabaho lang naman din sila, hindi naman sila ang may-ari.
Bahala ang may-ari hanggang sa malubog sila sa utang at saka na lang siguro mag-declare ng bankruptcy at magsara na ng tuluyan. After all hindi mo naman masasabing balasubas sila o manunuba. Eh talagang walang pera dahil nalugi na eh. Ipinasara sila nang mapaso ang kanilang prangkisa at hindi na pinahintulutan ng dating presidente Rodrigo Duterte na mabuksan pa. Nayari sila ni Quiboloy na owner of the universe nang sabihin niyong “stop” dahil hinamon ni Vice Ganda na patigilin ang AngProbinsiyano. Na sinagot naman ni Quiboloy ng “hindi lang ang ‘Ang Probinsiyano,’ patitigilin ko ang buong network ninyo.”
Mabuti nga hindi pa niya sinundan ng, “hindi mo ba alam na ako ang may-ari ng kaluluwa ninyo?”
Kung lindol at bagyo nga nasabihan niya ng stop sa paniwala niya eh, si Duterte pa ba na kinikilala siyang spiritual adviser at ngayon ay tagapamahala ng lahat ng properties niya na hindi sumunod sa kanya basta sinabi niyang “Stop ang ABS-CBN.”
Iyon nga lang, si Vice na naghamon patuloy pa ring kumikita kahit nalulugi na ang ABS-CBN at patuloy na nababaon sa utang, mas marami ang nawalan ng trabaho at wala nang pinagkakakitaan.
Minsan maniniwala ka rin sa kasabihang Karma is real. Diyan din naman kasi sa ABS-CBN, maraming “na-Sandro Muhlach” hindi nga lang nagreklamo.