Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cedrick Juan Zion Cruz

Cedrick at Zion Cruz maghahatid kakaibang husay sa pag-arte

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULING naka-iskor si Cedrick Juan dahil tinatangkilik ang family drama na kina-aaniban niya. Ang tinutukoy namin ay ang Ang Himala ni Niño sa TV5 na talaga namang kuhang-kuha ng kuwento ang puso ng mga manonood, lalo na dahil sa husay ng batang bida nitong si Zion Cruz.

Inaabangan ang pagpasok ng award-winning actor na si Cedrick sa susunod na linggo. Kaya naman tiyak na magdadala ng panibagong emosyon at excitement ang tambalan nina Cedrick at Zion sa seryeng sinusubaybayan ng maraming manonood araw-araw.

Si Zion ay isang homegrown talent ng MQuest Artist Agency (MQAA) na gumaganap bilang si Niño. Sa kabila ng batang edad, mahusay siyang nakikipagsabayan sa mga magagaling na artistang kasama niya sa serye. 

Sa pagpasok naman sa serye ng multi-awarded Best Actor na si Cedrick bilang Kuya Victor, bibigyang buhay niya ang karakter na magkakaroon ng impluwensiya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kilala sa kanyang mga critically acclaimed roles, inaasahan ang mahusay na pagganap ni Cedrick sa mga eksenang tatatak sa puso ng mga manonood.

Kasama rin sa Ang Himala Ni Niño ang mga batang artistang sina Ryrie Sophia bilang Kring-Kring, Kenneth Mendoza bilang Butchoy, at Achilles Ador bilang Joco. Sila ang mga bagong talents ng TV5 na nagbibigay saya at puso sa kuwento.

Abangan din sa mga darating na linggo ang pagharap ni Niño sa mabigat na pagsubok ng pag-iwan sa kanya ng ina. Dahil dito, ang samahan nila Kring-Kring, Butchoy, at Joco ay magiging mas matibay at magdadala ng pag-asa at suporta kay Niño.  Ang kanilang pagkakaibigan ay maghahatid ng mas malalim pang emosyon sa kuwento ng serye. Sa gabay ng mga seasoned actors tulad nina K Brosas at Freddie Webb, mas nahuhubog pa ang mga batang ito bilang magagaling na artista ng bagong henerasyon.

Huwag palampasin ang pagdating ni Cedrick sa Ang Himala ni Niño, mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa TV5. Abangan ang kahanga-hangang kuwentong ito at ang mahusay na pagganap ni Zion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …