Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark McMahon

Mark McMahon balik ‘Pinas

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGBALIK na pala si Mark McMahon, matagal din siyang nawala at walang balita sa kanya. Ngayon lang siya lumitaw na muli sa social media at nasa Siargao siyang muli. Roon naman siya naninirahan talaga.

Isang kilalang modelo at artista si Mark. Naging kontrobersiyal siya noong araw nang may lumabas ding scandal niya sa internet. Hindi naman niya inamin na siya iyon, pero isa iyon sa mga scandal na hindi maikakaila dahil maliwanag ang video. Ibig sabihin, maaaring siya rin ang gumawa niyon talaga, nag-leak nga lang kaya kumalat nang husto.

Hindi naman naapektuhan ang kanyang career dahil sexy naman ang image niya talaga. Tapos kasabay ng pagpasok ng mga bagong star, at dahil nga sa nangyaring nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at nagtalunang lahat sa GMA ang mga artista nila, lumiit ang mundo ng mga ibang artista kabilang na nga si Mark. Kaya siguro nagbakasyon muna siya at nasundan pa iyon ng pandemic, wala talagang trabaho sa showbusiness. Mabuti naman naisipan niyang bumalik, may potential pa naman siya bilang isang aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …