ni Ed de Leon
KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay susuportahan siya ng kanyang gay friend na politiko rin sa kanyang ambisyon. Pero iba ang naging dating niyon sa politikong bading, ang naisip niyon kung tutulungan niya ang aktor at manalo iyon, baka kumalas na sa kanya, kaya hindi iyon tumulong at sinabi namang hindi niya gusto ang pagpasok ng aktor na boyfriend niya sa politika.
Medyo may duda na nga ang politikong bading sa male star simula nang kumabit din iyon sa isang female bold star. Hindi na kasi madalas na dumadalaw iyon sa kanya kagaya niyong kahihiwalay pa lang sa tunay na asawa.
Ngayon ewan kung saan kukuha ng suporta ang male star sa kanyang pagkandidato, kasi bukod naman sa politician, mga small time na bading lang ang ibang nasasamahan niya. Na hit and run lang ang relasyon sa kanya.
Kawawa namang male star, makakapag-kampanya ba siya kung panay ang pakikipag-date niya sa mga bading para makakuha ng pondo sa kampanya? Eh hindi naman siya sikat kaya hindi na siya makahihirit ng mataas na bayad, bukod sa hindi na siya bagets ngayon.