Thursday , December 26 2024
Julie Anne San Jose Church

Julie Anne ‘di dapat sisihin, Sparkle at organizer may pagkukulang

HATAWAN
ni Ed de Leon

INAMIN ng Sparkle ang kasalanan sa nangyari kay Julie Anne San Jose na kumanta sa loob ng isang simbahan ng Dancing Queen na nakasuot pa ng gown na labas ang hita. Ayos sana ang get up ni Julie Anne kung siya ay kakanta sa isang night club, pero sa loob ng simbahan, mukhang mali nga yata iyon. 

Pero sinabi ng Sparkle na walang kasalanan si Julie Anne, sila ang kausap ng mga organizer at hindi naging malinaw sa kanila na ang venue ay sa loob ng isang simbahan kaya hindi nila nasabihan ang kanilang artist kung ano ang dapat na ayos, kilos, at maging ang kakantahin.

Palagay naman namin, hindi naeskandalo ang mga nanood kung ang pagbabatayan ay ang video ng palabas. Ang naeskandalo ay iyong mga nakakita lamang niyon sa social media. Hindi naman kasi dapat ginagawa ang ganoong performance sa loob ng simbahan at sa harap pa ng altar. Nagmukhang mahalay tuloy. At hindi iyon karaniwang simbahan, iyon ay isang vicarial shrine ng Nuestra Senora del Pilar. Kinonsagra iyon ng obispo ng San Jose Occidental Mindoro.

Talagang sino man ang makarinig o makakita ng pangyayaring iyon ay hindi maiiwasang hindi maeskandalo. Isipin mo isang shrine ng Mahal na Birhen, may isang babaeng sasayaw na nakalabas na ang hita at ang kinakanta pa ay Dancing Queen ng Abba. Tiyak magaslaw ang sayaw niyon.

May mga tuntunin sa banal na liturhiya tungkol sa mga simbahang ginagamit na ganyan. Dapat sana tinakpan ang altar, at inalis sa mismong altar ang banal na sakramento at inilagak muna sa ibang lugar sa parokya o sa kumbento. Kung hindi kami nagkakamali ang pari sa simbahang iyon ay si Monsignor Carlito Dimaano, at alam naman siguro niya ang tuntunin ng liturhiya. Malamang naman inilagak niya ang banal na sakramento sa ibang lugar sa buong panahon ng concert na iyon. Iyon nga lang ang nakae-eskandalo ay hindi  man lang nila tinakpan ang altar. Kaya sa tingin ng iba nagsasayaw si Julie Anne sa harap mismo ng altar ng simbahan.

May pagkukulang ang Sparkle, dahil hindi nila inalam ang tamang decorum sa ganoong pagkakataon. Maaasahan mo ba namang alam ni Julie Anne ang tamang decorum. Pero responsable ang organizer, dapat sinabihan nila na gagawin iyon sa loob ng isang simbahan at ibinigay nila ang mga tagubilin. “Familiarity breeds contempt,” iyan ang kasabihan. Dahil sanay na sanay na nga sila sa simbahan nila, nakalilimutan nila ang dapat na respeto sa nasabing lugar, kasi karaniwan na lang iyon sa kanila eh.  

Tama naman ang Sparkle, walang kasalanan si Julie Anne, sila ang medyo nagpabaya, kasi hindi rin  nila alam. Ang mas malaki ang pagkukulang ay ang organizer. Hindi dapat ginagawa ang ganyan sa loob simbahan. 

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …