I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source ng balitang natanggap namin kahapon.
Pero ang vice mayor ang puntirya ni Herbert at nagpaalam siya kay Mayor Joy Belmonte sa desisyon niyang ito.
Tatakbo si Bisetk bilang independent at makakalaban ang nakaupong VM na si Gian Sotto, anak ni Senator Tito Sotto, na magbabalik din sa Senado.
Sa totoo lang, star-studded ang 2025 midterm elections base sa artista at iba pang celebrities, influencers na naghain ng kanilang certificate of candidacy.
Basta pasok sa requirements ng Constitution, puwedeng maging kandidato—mahirap, mayaman at kulang o sobra ang pinag-aralan.