Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jesi Corcuera

Transman na dating sumali sa Starstruck buntis na

HATAWAN
ni Ed de Leon

TINGNAN ninyo, iyong transman na dating sumali sa StarStruck na babae at naging lalaki buntis na ngayon? Iyan ang sinasabi namin eh, hindi naman talaga mababago ang kasarian. Iyang mga bakla, ipakayod man nila ang kanilang kayamanan at palitan ng lapad, maaari ba silang magkaroon ng matris para maging ganap na babae? Iyon namang mga tomboy, magpalagay man sila ng tuka, magkakaroon  ba sila ng semilya ng lalaki? 

Hindi dahil natatanggap na ng lipunan, lalo na sa showbusiness na maraming bakla at tomboy ay tama na iyan. Ginawa lamang ang tao na lalaki at babae, walang sinasabing bakla at tomboy. Puwedeng sa pagdaraan ng panahon ay nagkaroon ng “genetic fault” kaya nagkaroon niyan. Hindi ba sa matandang tipan naman at maski na sa kasulatan mula sa Sumeria, sinasabinng may mga higante na anak ng mga Nephilims sa tao? Dalawang version iyan, may nagsasabing ang mga Nephilims ay mga fallen angel na nakipagtalik sa mga tao na ang naging bunga nga ay mga higante gaya ni Goliath. May nagsasabi namang ang mga Nephilim ay mga extra terrestials na napadpad dito sa lupa kgaya sa sinasabi sa mga libro ni Danickens. Pero ano man iyan, sabihin mang genetic o psychological, makikita ninyo na nagkaroon ng fault kung saan.

Tingnan ninyo si Jesi Corcuera, walang dibdib may bigote pa. Lalaki na rin  ang boses gaya ni Jake Zyrus, pero ngayon ay buntis. Hindi ba nakatatawa? Kailan naman kaya mababalita na si BB Gandanghari ay nakabuntis? O mas nakatatawa pa kung may mabuntisi din si Vice Ganda.  Kahit naman nagpakasal pa sila hindi mabubuntis iyang si Vice ni Ion Perez, wala naman siyang matris at imposibleng tubuan siya niyon. Kaya nga si Ion tatakbol na lang daw konsehal sa Tarlac at least magkakaroon siya ng sarili niyang identity puwede ng sabihin na iyan iyong kumandidato at hindi lagi na lang sinasabing boylet ni Vice.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …