ni Ed de Leon
“ANO iyong juts?,” tanong ng isang male star nang may mag-comment sa kanyang social media pic ng “juts.”
Wala namang sumagot sa tanong niya dahil imposible naman para sa isang matagal na sa showbusiness na hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng gay lingo na ‘yun. Variation lang iyan, o sabihin nating contraction ng Visayan word na “dyutay” na pinasikat noon ng movie writer na si Justo Justo. Iyong “dyutay” ay kabaliktaran ng “dako.” Kasi naman ang lakas ng loob na mag-post pa ng picture na naka-underwear nang hindi muna inaalam kung ano ang dyutay at ano ang dako.
Basta sinabihan ka ng “juts” hindi compliment iyon, iniinsulto ka na.