Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elias Modesto Cruz John Lloyd Cruz Ellen Adarna

Anak nina Lloydie at Ellen na si Elias pinagkaguluhan

HATAWAN
ni Ed de Leon

VIRAL ang picture ng napaka-cute na si Elias Modesto Cruz, anak ng matinee idol na si John Lloyd Cruz sa sexy star na si Ellen Adarna. Kumalat ang kanyang picture sa social media sa dami ng reposts, matapos na iyon ay ilabas ng nanay niyang si Ellen sa Instagram.

Hindi namin iyon napapansin noong una nang mabanggit nga namin ang naging role ni Aga Muhlachdoon sa pelikulang Aguila na ginawa ng direktor na si Eddie Romero at pinangunahan ni FPJ. Si Aga iyong bata roon na nakakuha ng libro sa attic tungkol sa kanilang ninunong si Aguila, at siya ang nagbasa ng istorya. Talagang cute si Aga noong bata pa, ang billing pa niya roon ay Ariel Muhlach. Pero hindi iyon  nakalimutan ng mga tao, kaya noong lumabas siya sa Bagets, siya talaga iyong bago dahil sina Herbert Bautista at JC Bonnin lumalabas na sa seryeng Flor de Luna. Si Raymond Lauchengco naman ay isang stage actor at singer na noon talaga, si William Martinez ang beterano na sa showbiz. Si Aga talaga ang bagong pasok, pero nang ilabas ang pelikula, hindi maikakailang siya ang sumikat nang todo. Isang phenomenon ang pagsikat ni Aga noon. Siya ang naging idol ng bayan.

Sabi nga ng isang kritiko, baka ganyan din ang kalabasan ni Elias, dahil ngayon pa lang pinagkakaguluhan na ang kanyang pictures. Ilang taon na lang makakapag-artista na iyan kung gusto niya, at ang tanong nila sumikat rin kaya siya gaya ni Aga?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …