Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre James Reid Issa Pressman Yassi Pressman

Nadine ‘di issue pag-unfollow kina James, Issa, Yassi            

HATAWAN
ni Ed de Leon

IN-UNFOLLOW din ni Yassi Pressman si Nadine Lustre sa kanyang social media account. Nauna rito in-unfollow ni Nadine ang dati niyang boyfriend na si James Reid, ang syota niyon ngayong si Issa Pressman at si Yassi. Kung tutuusin hindi naman issue iyon para kay Nadine, dahil wala naman siyang koneksiyon kahit na kanino man sa kanila. 

Dati niyang ka-love team at naging syota niya si James pero wala na iyon. Si Nadine ay nakatali pa sa VIva hanggang 2029, eh kukunin pa ba ng Viva si James matapos na layasan niya sila sa ambisyong maging international singer at talent manager din? 

Actually iyon ang naging issue noong araw. Ang akala ni James, umalis man siya sa management ng Viva ay kukunin pa rin naman siya ng kompanya dahil ka-love team nga siya ni Nadine, pero hindi ganoon ang nangyari. Nang umalis siya gumawa agad sila ng dalawang magkasunod na pelikula ni Nadine na iba ang leading men, nag-flop nga lang pareho. Kaya maski si Nadine noon naniwala na walang mangyayari sa kanya kung hindi si James ang kasama niya. Noon siya nagpapa-release ng kontrata sa Viva, nagdemandahan at natalo si Nadine. Kailangan niyang sundin ang kontrata na pinirmahan nila ng tatay niya hanggang 2029. Nang muling gumawa ng pelikula si Nadine matapos ang pandemic, naging top grosser siya sa MMFF at nanalo pang best actress. Bawi na si Nadine.

Si James tagilid pa rin ang career. Tapos lumabas pang nabudol lang pala siya ng Koreanong si Jeffrey Oh na inaasahan niyang may koneksiyon para mapasikat siya at si Liza Soberano sa Hollywood. Iyon pala kahit sa beerhouse na Little Hollywood sa Recto Avenue ay wala. Nabudol pa raw siya ng P100-M.

Lumalabas na ang pagbalik ni Nadine sa Viva ay blessing in disguise. Isipin ninyo kung natangay siya ni James at ng tatay niyon sa Careless, kagaya rin siya ni Liza ngayon na hindi mo na alam kung saan pupulutin.       

Dahil wala na rin naman silang koneksiyon, ano ang masama kung mag-unfollow na si Nadine sa kanila para naman mabigyang daan ang mga bagong friends na mas may pakinabang siya? Ano naman ang magiging isyu kung ganoon nga?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …

Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Hating Kapatid good venue para maipakita ibang side ng Legaspi family

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG malaking blessing para kay Cassy Legaspi, ang GMA drama series na Hating Kapatid sa kanilang …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mentorque at GMA movie star studded

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …