HATAWAN
ni Ed de Leon
KUNG natatandaan ninyo ang singer na si Coritha, na noong araw ay nagpasikat ng mga kanyang Sierra Madre, Lolo Jose, at Oras na, pumanaw na po siya noong isang araw sa edad na 73.
Nagkasakit at inatake rin si Coritha simula noong masunog ang kanyang bahay sa Quezon City noong 2018. Kinupkop na pala siya ng boyfriend niya sa bahay noon sa Tagaytay, Pero intake nga raw iyon at naratay na dahil sa sakit. In a way sabi nga nila mabuti naman at nakapagphinga na siya dahil labis siyang nahihirapan sa kanyang kalagayan.
Naipa-cremate na nila ang labi ni Coritha, o Maria Socorro Arenas, pero balak rin daw nila na magkaron ng wake para sa kanyang labi. Alam nilang marami siyang fans at kasamahan sa industriya na gustong magbigay galang sa kanya sa huling pagkakataon.