Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi pinamamadali restoration ng mga klasikong pelikulang Filipino

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAILANGANG madaliin ang restoration ng mga klasikong pelikulang Filipino habang may nakukuha pang kopya kahit na sa video. Mahirap na kung dumating ang panahon na wala na tayong makuhang kopya gaya ng nangyari sa maraming klasikong pelikula natin noong  araw,” sabi ni Vilma Santos.

Isinama na nga ni Ate Vi sa kanyang advocacies iyang restoration ng pelikulang Filipino na nasimulan na noong araw pa. Kaso iyong mga unang ini-restore ay nasira nang pabayaan nila sa archives ng Manila Film Center. Tapos nasara naman ang ABS-CBN na nagre-restoere rin ng pelikulang sinasabi ni Ate Vi. Ngayon daw ay dapat magkaroon ng government-private partnership para sa restoration ng mga pelikula. May mga nakausap na raw siyang ilang kompanyang willing tumulong at may magagamit na institutional budget para riyan. Pero kailangan rin ang tulong ng gobyerno. Hindi man makapagbigay ng pera ang gobyerno, maaari naman siguro magbigay sila ng tax incentives sa mga kompanyang tutulong sa restoration ng mga klasikong pelikulang Filipino.

Aminin man nila o hindi, hindi lamang musika, sayaw at iba  pa ang bahagi ng sining ng Pilipinas. Ang pelikula man ay sining din at kailangan nating pagyamanin. Noong araw tayo ang nangunguna sa buong Asya, ngayon natabunan na tayo ng India at Korea. Nakalulungkot iyan kailangan may gawin na tayo at una na riyan ang restoration ng mga klasikong pelikulang nagawa natin sa nakaraang panahon,” sabi ni Ate Vi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …