SI Itan Rosales na raw ang bagong Jay Manalo.
Mukhang tinatahak daw ni Itan ang magandang karera simulang magpakitang gilas sa pag-arte kasabay ng kanyang pagpapaseksi sa Vivamax.
Mismong si Direk Roman Perez na ang nagsabing palaban sa acting si Itan at mahusay ito.
Guwapo at seksi si Itan isama mo na ang pagiging matangkad kaya naman marami ang nagkakagusto sa binatang nasa pangangalaga ni Len Carrillo ng 316 Media Network.
Sana raw ay mabigyan pa ng magagandang project si Itan na sinasabing ang bagong Jay Manalo ng kanyang henerasyon. Bongga!