REALITY BITES
ni Dominic Rea
ABOT-LANGIT ang pasasalamat ni Quezon City 1st District Congressman Arjo Atayde sa Kapamilya Network na roon siya nag-umpisa ng kanyang karera bilang isang mahusay na aktor. Naging malaking bagay ito para makasungkit ng posisyon sa gobyerno.
Kaya namang pagsabayin ni Arjo ang showbiz at politics at nasa time management lang naman iyon.
Nakatutok ngayon si Arjo sa kanyang misis na si Maine Mendoza ganoon din sa pagseserbisyo sa QC lalo na sa kanyang distrito kaya medyo tagilid muna ang paggawa ng magagandang proyekto.
Kamakailan ay nanalo siya bilang Best Actor sa katatapos na Content Asia Awards 2024 na ginanap sa Taiwan.