I-FLEX
ni Jun Nardo
LUBOS na nalungkot si Isko Moreno nang malaman ang kalagayan ng kaibigang si Doc Willie Ong.
Naka-tandem ni Isko si Doc Willlie nang tumakbo ang dating Manila Mayor na president noong 2022.
Sa post ni Isko sa kanyang Facebook, “Sabi ko kay Doc Willie, maraming nagmamahal sa kanya at umaasa sa mga libreng gabay at payo niya sa kalusugan ng mga kababayan nating Filipino.
“Tatagan niya ang kanyang kalooban at awa ang Diyos na malalagpasan din niya ang pagsubok na kinahaharap niya.
“Mga kababayan ipanalangin po natin ng pagganda ng kalusugan at mabilis na paggaling ni Doc Willie Ong.”
Speaking like a true friend ni Doc Willie si Isko na kahit nag-iikot na sa Kamaynilaan eh may oras pa rin sa kaibigan.
Ayon sa posts sa socmed, rare raw ang dumapong sakit kay Doc Willie.