Sunday , December 22 2024
Vilma Santos

Ate Vi magaling na, kailangan lang ng pahinga para iwas binat; ayaw madaliin paggawa ng movie

HATAWAN
ni Ed de Leon

BAGAMAT noong makausap namin isang gabi si Vilma Santos ay sinasabi niyang walang dapat ipag-alala ang mga kaibigan niya dahil magaling na nga siya. Inamin niyang takot pa rin siyang magkikilos at pinayuhan siya ng doktor na baka mabinat. Kaya nga kahit sana dapat ay magsisimula na siya ng shooting ng kanyang pelikula sa linggong ito huimingi pa  siya ng extention at tama naman kaysa mabinat at mabibitin lalo ang shooting ng pelikula. At least kung talagang ok na, basta nagsimula sila ay tumoy-tuloy na iyon hanggang sa matapos.

Tutal wala naman kaming hinahabol na playdate,” sabi pa ni Ate Vi.

Iyon naman ang laging sinasabi ni Ate Vi sa ngayon eh. Kung gagawa siya ng pelikula, gusto niya iyong mabubusisi nila. Iyong mapag-iisipan nila lahat ng gagawin at wala silang pressure na naghahabol ng kahit na anong deadline o playdate.

Ayoko na na iyong kagaya ng ginagawa namin noong araw, kung minsan inaabot kami hanggang kung anong oras sa shooting namin at wala kaming magagawa dahil may playdate na ang pelikula namin. Minamadali na kami ng producers. Ok naman nakakaya, pero pagkatapos niyon basta pinanonood mo na ang pelikula at saka kayo mag-uusap. Dapat pala ganoon ang ginawa natin sa eksena, mas maganda lalabas, pero hindi na namin magawa, hindi na namin mabalikan kasi habang ginagawa nga namin iyon ang nasa isip kailangang umabot kami sa playdate, kaya ang lumalabas, puwede na iyan.

“Inaamin ko naman na sa edad ko ngayon, hindi ko na kaya iyong gaya noong dati na basta nag-shooting bahala na kung kailan matatapos. Noon kasi kailangan ko rin namang gawin iyon. Iyon iyong panahon na kailangan ko rin ng pera. Hindi ko naman naikakaila na nagkaroon ako ng mga utang sa banko at maging sa BIR noong araw. Iyong kinikita ko sa pelikula ko sa Viva at sa Regal doon lang dumidiretso lahat at kailangang matapos ko ang mga proyekto dahil kung made-delay, delayed din ang bayad sa akin at magiging problema ko iyon.That was the time na ang nahahawakan ko lang pera ko ay iyong sa TV show.

Ngayon sa awa naman ng Diyos hindi ko na kailangang maghabol ng kita, wala na akong utang, bago ako nagbakasyon sa showbiz, nabayaran ko na lahat ng utang ko. Nakapagsimula na ako ng panibagong chapter ng aking buhay. Hindi ko naman masasabing hindi ko na kailangan ng pera pero hindi na ganoon kahigpit ang pangangailangan. Nakaluluwag na ako, at iyong ibinibigay lang ni Ralph (Recto) sapat naman para sa pamilya at sa upkeep ng bahay. Ngayon kung may kailangan ang pamilya ko, ang mga kapatid ko, sa akin naman iyon. At least hindi ko na masasabing gipit ako

At saka ngayon ang sinasabi ko nga kung gumagawa man ako ng pelikula ang iniisip ko na ay iyong legacy na iiwanan ko sa showbusiness.  Hindi ko na iniisip iyong sisikat ako, hindi na rin iyong kung kikita ba ng malaki ang pelikula ko. Ang gusto kong isipin ay iyong pelikula ko na mapapanood pa ng mga susunod na henerasyon.

Kagaya ngayon, ang sarap ng pakiramdam iyong pinanonood ng mga tao ang mga restored film mo, tapos naroroon ka nakikinig sila ng kuwento mo tungkol sa pelikula. At makikita mo ang interes nila sa pelikula mo. Noon ang mahalaga lang ay matapops ang pelikula, kumita iyon, natuwa ang fans at ayos na. Pero hindi pala ganoon iyon. Kailangang isipin mo pa rin ang mga susunod na henerasyon at iyon ang nakikita ko ngayon at natutuwa ako. Ngayon gumagawa ako ng pelikula, hindi para kumita, hindi para manalo ng awards kasi ever since naman ako iyong hindi naghabol ng awards. Ang iniisip ko ay kung ano kaya ang maiisip ng mga susunod na henerasyon, iyong mga ka –batch naman ni Peanuts kung mapapanood nila ang mga pelikula ko ngayon,” tuloy-tuloy na sabi ni Ate Vi.

Marami ang umaasa maski na sa festival committee na may pelikula rin siya sa film festival.

Iyong ‘When I Met you in Tokyo,’ we had all the time, We started early for a September playdate. Iyon naman talaga ang plano. Wala sa usapan na isasali iyon sa festival. Tapos noong ginagawa na namin iyong mga finishing touches iyong mga producer na-excite maganda kasi ang pelikula gusto na nilang sumali sa festival. Ako mas gusto ko na iyong September playdate, una nagmamadali na rin ang fans, ikalawa mas marami kaming sinehan na makukuha kung hindi kami kasali sa festival. Natatandaan ko noong araw may pelikula akong gusto kong makasali sa festival, eh sa Viva iyon, tapos sabi ni Boss Mina, isipin mo ilang sinehan lang ang makukuha mo kung kasali ka sa festival, marami ka pang kaagaw, mahahati ang audience. Kung hindi tayo sasali sa festival, mas marami tayong sinehan, iyong publiko, kahit na hindi mo fans, manonood ng pelikula natin dahil iyon ang maganda. Wala silang ibang choice. And I realized tama siya. Kaya ako noong ‘When I  Met You’ in Tokyo mas gusto ko maagang playdate, pero festival ang gusto ng mga producer, artista lang naman ako. Tapos nagkaroon pa ng bagyo ng September. Sila ang nasunod, pero ok naman ang kinalabasan. Dahil sa festival iyong pelikula namin pinanonood pa rin ng mga tao sa abroad. Palabas pa rin sa mga sinehan doon. Kaya kami ang huling-huling pumasok sa Netflix eh, kasi palabas pa sa mga sinehan sa abroad.

“Eh itong sisimulan ko, sabi ko ayoko nang madalian at may hinahabol na deadline. Kung matatapos nila in time, at makapasok sa festival so be it pero kung hindi at magagahol kami sa panahon, huwag pilitin. Mas tamang matapos namin ng maayos ang pelikula,” sabi ni Ate Vi.

Eh iyong political activities?

I already told them nadaanan ko nang lahat iyan. Ano pa ba ang hindi ko nagagawa? Kung may ibang interesadong kumandidato hayaan na ninyo sila. Tayo naman galing na tayo riyan. Kung may iba sila na lang, kung talagang walang-wala na lang mapapatakbo ang partido at saka na lang ako gagawa ng desisyon, but definitely magiging busy din ako riyan. Kailangang ikampanya ko ang mga kandidato ng aming partido at kung sino pang iba ang tatakbo na kailangan din ng suporta.

Pero malayo pa iyan, sa October pa iyan at saka na lang pag-isipan iyan. Nauna ko namang nasagutang gagawin iyong pelikula ko kaya iyon ang uunahin ko talaga,” sabi pa ni Ate Vi.

Pero maaayawan ba niya ang kahilingan ng mga tao sa Batangas?

Hindi ko pa naman sila nakakausap eh. Siguro kung nakapag-usap na kami then that will be the time that I can consider iyong sinasabi nila. Nakakarating sa akin iyong sinasabi nila kay Ralph, at saka iyong sinasabi nila kay Ryan kung may mga occassion na siya ang nagre-represent sa amin

“Pero ako mismo, wala pa akong nakakausap sa kanila,” dagdag pa ni ate Vi.

“Iyong totoo gusto ko namang mag-enjoy sa buhay ko. Pero gaya naman ng pangako ko, kung walang ibang makagagawa, tatanggapin ko ang tungkulin ulit,” sabi pa niya.

Actually ang dami pang plano ni Ate Vi, kaya lang kailangan muna niyang magpahinga, masama kung mabibinat pa siya.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …