Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jak Roberto Barbie Forteza David Licauco

GMA artists kulang sa sparkle; talento ni Jak sinasayang

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG isang araw may lumabas na mga throw back video ni Jak Roberto sa social media. Iyon iyong panahong lagi siyang guest sa kung saan-saang programa ng Channel 7 at sa lahat naman ng mga show noon ay nakahubad siya para ipakita ang kanyang abs. Tinagurian pa siya noong pambansang abs. Pero matapos na ipakita nang ipakita ang abs sa telebisyon, nang hindi man lang pinapansin ang kanyang talent bilang isang aktor, wala na siya.

Ewan kung bakit pero ang kasunod na narinig na lang natin ay pinakiusapan siyang huwag masyadong magiging visible na kasama si Barbie Forteza na syota niya sa tunay na buhay, dahil ila-love team daw iyon kay David Licauco. Para bang sinabi kay Jak, diyan ka muna dahil sawa na ang mga tao sa abs mo, si David na muna. Para bang Pilipinas din na pinaalis ng mga Intsik sa West Philippine Sea dahil kanila raw iyon at may kasunduan na sila ni Duterte.  Siyempre kung sumama man ang loob niya ay wala siyang magagawa dahil network ang nag-utos niyon at kung hindi sila susunod, pati si Barbie ay maiipit ang career. Gusto kasi nga nilang magamit ang popularidad ni Barbie para maiangat si David. Eh napansin ba naman iyong ginawa nilang BarDa? Hindi rin naman dahil, maloloko mo ba ang fans at mapapaniwala mong wala na sina Barbie at Jak? 

Lately lumalabs pa ang katotohnan na may iba naman palang girlfriend si David, na dahil hindi naman artista ay hindi nila mapagsasabihang lumayo muna kay David dahil sa love team niyon kay Barbie.

Sa totoo lang nanghihinayang kami kay Jak.Kasi kung binigyan lang nila ng fair chance iyang batang iyan, naniniwala kaming aangat iyan eh. Aminin natin malakas ang personalidad ni Jak at marunong din namang umarte. Kaso nga wala silang ginawa kundi ipakita lamang ang kanyang abs, at  tapos ay wala na. Ngayon puro na lang yata pagmomotorsiklo ang inaasikaso ni Jak. 

Sa totoo lang maraming artista na ang sinayang ng GMA dahil lamang sa mali nilang diskarte sa handling ng career ng mga iyon. Sa toloo lang, ang mga star nila ay kulang na kulang sa sparkle.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …