I-FLEX
ni Jun Nardo
MARAMI raw humuhikayat kay Ara Mina na tumakbo bilang konsehal sa Pasig City.
Eh kung hindi ninyo alam, may mga kamag-anak siyang nakatira sa Pasig kaya puwede rin siyang maging konsehal sa syudad ni Mayor Vico Sotto.
Wala pang katiyakan kung tatanggapin ni Ara ang alok maging konsehal. Tutal, may showbiz commitments pa siya at ang pagkakaroon ng anak sa asawang si Dave Almarinez ang isa sa prioties niya ngayon.