MATABIL
ni John Fontanilla
RAMDAM na ramdam ang sakit sa bawat salitang binitiwan ni Sandro Muhlach, anak ng dating Child Wonder na si Nin̈o Muhlach, sa naranasan kina Richard “Dode” Cruz at Jojo Nones.
Ipinost ng binata ni Nino sa Instagram ang mga larawang kuha sa CCTV footage bago at matapos ang umano’y panghahalay sa kanya nina Cruz at Nones. May caption iyong, “Habang buhay ko dadalhin ito. Dalawa kayo at isa lang ako. I will never be the same again.
“Some people can never comprehend how hard it is to be in this traumatic situation. Luring someone will never be a consent to abuse.”
Umaasa si Sandro at ng kanyang pamilya na makukuha ang hustisya sa nangyari sa kanya at maparurusahan ang mga taong gumawa sa kanya ng hindi maganda.