HATAWAN
ni Ed de Leon
KUNG ang masusunod ay si Ferdinand Topacio sinasabi niyang dapat ideklarang heinous crime iyang pang-aabuso kahit na sa mga lalaki. Kung mangyayari iyon, ang gagawa niyan ay maaaring makulong ng habang buhay, dahil wala na naman tayong death penalty sa PIlipinas eh. Kung hindi inalis ni Presidente Gloria Arroyo ang death penalty noong administrasyon niya maaaring ma-lethal injection din ang mga baklang mang-aabuso ng lalaki.
Kung iyan ay ginawa nila sa Middle East o sa alinmang bansa na may Islamic Court tiyak na pugot ulo ang kahahantungan ng mga baklang nang-abuso ng kapwa nila lalaki. Suwerte pa rin ang mga ganyang gumawa ng kalokohan sa PIlipinas. Pero sabi nga ni Senador Jinggoy, sa dami raw ng kasong isinampa ng mga Muhlach, at sa nakita nilang mga ebidensiya sa kanilang mga executive sessions at sa result din ng imbestigasyong isinagawa ng NBI mukhang matagal na maghihimas ng rehas na bakal ang dalawang suspect. Pero iyon ay peronsal na opinion lamang niya. Huwag na nating pangunahan ang magiging desisyon ng korte.