Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
monkeypox Mpox Virus

Sa Northern Samar
Hininalang Mpox patient idineklarang negatibo

NAKOMPIRMANG negatibo sa monkeypox ang 24-anyos lalaking binabantayan ng mga awtoridad ng lalawigan ng Northern Samar sa bayan ng Catarman.

Ayon sa magkahiwalay na advisory mula sa Provincial Health Office (PHO) at Municipal Health Office (MHO) ng Catarman nitong Linggo, 25 Agosto, nakararanas ang pasyente mga sintomas ng monkeypox, kabilang ang dalawang linggong lagnat, panghihina ng katawan, at vesicular rashes.

Ayon kay Dr. Myrna Trongcoso, Catarman municipal health officer, nagsagawa sila ng contact tracing at confirmatory tests upang matiyak kung mayroong monkeypox na walang naitalang travel history.

Samantala, mananatili sa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman ang pasyente dahil sa ibang karamdaman.

Ayon kay Rei Josiah Echano, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, simula nitong Sabado, 24 Agosto, nasa nabanggit na pagamutan ang pasyente para sumailalim sa mga pagsusuri.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …