Tuesday , December 24 2024

Sa Escoda Shoal, WPS  
BARKO NG BFAR DATU SANDAY BINANGGA, BINUGAHAN NG WATER CANNON NG CHINA

082624 Hataw Frontpage

BINANGGA ng China Coast Guard (CCG) at pinabugahan ng water cannon ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bahagi ng Escoda Shoal, sa West Philippine Sea nitong Linggo, 25 Agosto.

Sa paunang ulat, limang beses binangga ng CCG ang barko ng BFAR na nagsasagawa ng resupply mission sa West Philippine Sea (WPS) kahapon.

Gayondin, nagpakawala ang isang barko ng CCG ng water cannon sa BRP Datu Sanday at tinarget ang bubong kung saan matatagpuan ang navigational equipment.

Sa pagtataya ng National Task Force for the WPS, walong barko ng CCG ang nang-harass sa barko ng BFAR kahapon ng umaga na magdadala ng supply sa mga mangingisdang Pinoy sa nasabing lugar.

“These unprofessional, aggressive and illegal actions pose serious risks to the safety of the Filipino crew and fishermen they were meant to serve. Despite these provocative maneuvers, the crew aboard the BFAR vessel maintains morale and remains safe and unharmed,” bahagi ng pahayag ng Task Force.

Sa kabila nito, sinabi ng CCG na ilegal na pumasok ang BRP Datu Sanday sa kanilang teritoryo at nagsagawa ng “dangerous manner” sa kanilang barko.

“The China Coast Guard took control measures against the Philippines vessel involved in the incident in accordance with law and regulations,” pahayag ng CGG.

Sa mga lumabas na video sa social media, makikita ang barko ng CCG na binangga ang BRP Datu Sanday.

Kasunod ito ng paggamit ng flares ng China laban sa mga aircraft ng Philippine Air Force (PAF) at BFAR aircraft sa tatlong magkakahiwalay na insidente sa Bajo de Masinloc noong 8 at 19 Agosto, at malapit sa Pag-asa Island noong 22 Agosto.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …