I-FLEX
ni Jun Nardo
BUMUGA ng mabagsik na opinyon ang producer na si Edith Fider kaugnay ng inilabas na statement ng Offfice of the Vice President kuugnay ng nangyayaring pag-aresto sa Kingdom of Jesus Christ (KoJC) sa Davao.
As of this writing, wala pang Quiboloy na nakikita. Kaya naman ang OVP, humingi ng dispensa sa members ng (KoJC) na hiningan niya ng boto para kay PBBM.
Mahaba at matalim ang pahayag ni Fider. Basta ang paalala sa kapwa Pinoy, “Matuto na tayo mga Filipino. Husto na ang pangbababoy at panglulustay sa kaban ng bayan. Duterte tigilan na ang pagmamalabis!”