ni Ed de Leon
MAY isang kuwento pa kaming narinig, tungkol naman sa isang male starlet na gumagawa ng mga indie na gay series. Isinama siya sa isang BL, at doon ay may nakasama siyang isa pang male star na mas malaki ang role kaysa kanya. Ang mas naunang male star ang nagsabi sa kanya, “basta nagustuhan ka ni direk, sumama ka mabait naman iyan at gagawin kang bida agad.” Ganoon nga ang kanyang ginawa at naging bida siya agad ng kasunod na pelikula.
Para sa male starlet, katuparan iyon ng kanyang ambisyong sumikat, isa pa lihim lang pero bakla rin naman siyang talaga. Kaya natural lang naman sa kanya ang ganoong sitwasyon.
Marami na rin naman siyang nasamahang bakla ang kaibahan nga lang binabayaran siya ng mga iyon para sa kanyang serbisyo. Si direk hindi nagbabayad pero tinutulungan naman siyang mas sumikat bilang artista at kung sisikat siyang talaga, mas tataas pa ang presyo niya sa flesh market dahjl sikat siya eh.
Ganyan ang naririnig naming kalakaran sa showbusiness.