Sunday , December 22 2024
Caludine Barretto Sandro Muhlach

Claudine nagpahayag ng suporta kay Sandro

HATAWAN
ni Ed de Leon

FINALLY isang malaking artista na nagmula rin sa isang showbiz clan ang nagsalita tungkol sa kaso ng sexual abuse, si Claudine Barretto. Nagpahayag si Claudine ng supporta kay Sandro Muhlach at sinabing idinadalangin niyang makamit niyon ang hustisya. Si Claudine ay malapit sa tiyuhin ni Sandro na si Aga Muhlach dahil nagkasama sila sa ilang hit na pelikula. Sinabi rin ni Claudine na naiintindihan niya kung bakit ngayon lang lumantad si Gerald Santos na biniktima rin pala ng isang baklang musical director noong nagsisimula pa lamang siya.

Iyang mga ganyang kuwento ay hindi na bago kay Claudine sa itinagal-tagal niya sa showbusiness na imposibleng wala siyang naririnig na ganyan. Tama naman ang sinabi ni Senador Jinggoy Estrada,talamak iyang sexual abuse noon pa sa showbusiness. Kaya nga may mga baklang naniniwala na, “akala ko ok lang naman, kasi iyon na ang kalakaran.” Nang dumating kami sa showbusiness ilang dekada na rin ang nakaraan may mga ganyan nang kuwento, ang kaibahan nga lang ng mga bakla noong araw, oo nanlalalaki sila pero iyon ay kung pumapatol sa kanila ang lalaki wala kaming nababalitaan noong ni-rape.

Ang karaniwan kasi, baguhan nagmamadaling sumikat. Gusto ring magkaroon agad ng pera dahil artista na nga sila at alam naman ninyo basta artista, nahihiya na iyang sumakay sa jeep o kumain sa mga carinderia, kaya naghahanap na iyan ng mapagkukunan ng pera dahil hindi naman malaki ang bayad sa mga baguhang artista. Iyon ang madalas na mababalitaan mo na, “Kabit ng bakla.” Sa madling salita, pumatol hindi ni-rape.

Mayroon namang mga sikat na. Kumikita na at may pera na rin naman, pero mababalitaan mo pumatol pa rin dahil ang nanligaw ay mas mayaman, maaaring isang politiko, o maaaring isang real estate broker na milyonaryo. Pero iyon nga ang kaibahan noon, pumatol hindi ni-rape.

Pero mayroon namang umiiral ang prinsipyo, isang sikat na actor na kilala namin ang inabutan ng susi ng isang Mercedes Benz na brand new, makipag-date lamang sa isang bading. Pero isinauli niya ang susi at sinabi niyang kabibili pa lang niya ng isang Trooper na sa tingin niya mas magagamit niya sa mga shooting niya. Hindi naman kasi lahat nakukuha sa pera eh.

Hindi lamang mga male star ang nilalapitan ng ganyan, may mga babae ring nilalapitan ng mga tomboy o lesbian. May mga artistang babae na maliwanag na pumatol din naman sa ganyang relasyon dahil gustong sumikat, manatiling sikat, o may pangangailangan.

May isang aktres na sikat na noon na nagbakasyon sa isang exclusive resort sa isang island kasama ang isang lesbian na production executive nagpunta sila roon gamit ang chartered plane para nga siguro walang makakita sa kanilang magkasama. Nalaman namin iyon dahil kaibigan namin ang piloto at ipinakita pa sa amin ang manifesto ng mga pasahero niya. Mayroon din namang isang magandang aktres nagkaroon ng injury sa shooting nila aba ipinagamot pa sa abroad at binantayan doon ng isang lesbian na siyang naging sponsor ng pagpapagamot niya at lahat ng gastos, at ano nga ba ang iisipin mong kapalit ng lahat ng iyon? Pero pumayag siya sa sitwasyong iyon, hindi siya pinuwersa.

Kaya nga kahit noon ang usapan sa showbusiness, mas mabuti pa raw ang mga tomboy dahil nanliligaw sa babae at hindi namimilit na patulan sila. Kung pumatol ok, kung hindi hanap sila ng iba. Eh sa kaso ng mga bakla, may mga naririnig na rin kaming pinipilit, tinatakot na maiipit sa trabao at hindi na sisikat pero noon wala namang kaso ng rape talaga. Nagsimula lang iyang kaso ng mga rape na ganyan o pamimilit sa sex noong mga 90’s na yata. Noong panahong iyon marami na kaming naririnig na ganyang kuwento.

Natatandaan namin iyong musical director na inireklamo ni Gerald, binato iyon ng  PSP ng isang male star na balak din niyang puwersahin. Tapos nakatakbo ang male star palabas ng bahay niya. Actually, kaya natahimik iyon eh kasi kumalat na binato siya ng PSP ng male star. Napahiya rin siguro ang bakla dahil ipinagkalat ang modus operandi niya.

Iyong mga ganoon ang iniisip namin kaya may mga sagot silang, “akala ko ok lang sa kanya eh.” Kasi may mga baklang ang presumption, alam na ng mga male star ang nangyayari at naniniwala silang ganoon na nga ang kalakaran eh kung hindi pala? Malakas ang suspetsa namin na ganoon ang nangyari kay Sandro. AKala nila ay ok lang sa bata, eh hindi pala.

Si Claudine mabalikan natin marami na ring naririnig na kuwento iyan kaya siya nakapagbigay ng opinion.

Maidagdag namin may narinig pa kaming isa pang kuwento may isang male model na sumali noong araw sa isang mens’ personality contest at nanalo naman, kinuha siya ng isang film company. Bids siya agad sa una niyang pelikula, pero pinangakuan siya ng producer na sa susunod igagawa siya ng isang launching movie, pero siyempre kailangan maging syota siya ng baklang producer. Natakot ang male star hindi na siya nagbalik sa producer, ni hindi na niya tinapos ang ginagawa niyang first movie, hindi rin siya nabayaran para sa pelikulang iyon. Pero dahil ayaw niya, umiwas siyang talaga. Hindi ba ganyan ang kuwento noon Melchor Bautista?  Siyempre ang mga movie writer na dinadatungan ng baklang produ panay ang sulat na unprofessional ang male star, na kaya raw walang nangyari sa career ay dahil nabaliw sa kanyang girlfriend, sinayang daw ang pagkakataon at ang malaking break na ibinigay ng producer, pero siyepre walang nagsasabing siya ay niligawan ng baklang producer, in the first place hindi naman umamin ang producer na bakla siya.

Kung pag-uusapan ang lahat ng mga eskandalong iyan napakarami at hindi tayo matatapos, at iyan ay iyong alam lang namin. Tiyak na mas marami ang hindi namin alam. Pero iyon nga, noon naman walang lalaking pinupuwersa. Nasa kanila iyon kung papatulan nila ang mga bakla pero totoong nangyayari na kung tumanggi sila naiipit na ang kanilang career.

Pero ngayon lang nagkaroon ng kasong sensational dahil umabot sa demandang rape through sexual harassment laban sa mga bakla, pero nagkakaila pa rin sila at depende pa rin iyan kung ano ang magiging desisyon ng husgado. Pero ano man ang maging desisyon ng husgado sa mga pangyayaring ito, tiyak na iyan ang panunundan sa mga kasunod na kaso. Dadami na ang mga pinilit na magdedemanda, o kung hindi naman lalong lalaganap ang pagpuwersa ng mga bakla sa mga lalaki. At iyan ay hindi pa umiiral ang Sogie na ipinipilit ni Risa Hontiveros ha.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …