Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Nones Dode Cruz Sandro Muhlach

Sandro sa paulit-ulit na pang-aabuso sa kanya — halos maputol na ang private parts ko

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY isang source na nagsabi na nakita raw niya ang pagsasagawa ng physical examination kay Sandro Muhlach at totoong may palatandaan na siya ay posibleng paulit-ulit ngang inabuso ng dalawang suspects. Sinabi rin naman ni Sandro na halinhinan siyang inabuso ng dalawa sa buong magdamag.

May mga pahiwatig naman ang dalawa na akala raw nila ay ok lang, ibig sabihin payag naman si Sandro sa kanilang ginawa. Nang malaunan ang statement nila ay wala silang ginawa kay Sandro sa kabila ng lahat ng ebidensiya at iginigiit nilang nagkuwentuhan lamang sila sa buong panahon na ang batang aktor ay nasa kanilang kuwarto sa hotel.

May mga source ring nagsabi ayon kay Senador Jinggoy Estrada na hindi lamang si Sandro kundi nag-text din daw si Jojo Nones sa iba pang mga artista pero si Sandro nga lang ang nakumbinsi nilang magpunta sa kanilang hotel. SInabihan pa umano ni Nones si Sandro na, “kung ano man ang nangyari ngayon sa hotel ay hindi na dapat pang lumabas dito.”

Binura rin daw ni Nones ang lahat ng mga text niya sa cell phone maliban sa isa, na sinabi ni Sandro na dadaan siya saglit, bilang patunay na nagtungo roon si Sandro nang hindi nila pinilit. Gayunman, makikita sa record ng telco ang kompletong pagpapalitan nila ng text kaya nasabi ni Sandro na dadaan siya saglit. Bukod sa sexual harassment, may sinasabi pang kaso ng droga dahil pinasinghot nila si Sandro ng kung anong substance kahit na ayaw niyong bata na naging dahilan kung bakit tila namanhid ang buo niyong katawan at hindi na nakalaban nang sinimulang abusuhin. Hinubaran daw ni Cruz si Sandro at doon na nagsimula ang lahat.

Ang sabi pa ni Sandro, “halos maputol na ang private parts ko dahil sa paulit-ulit nilang abuso.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …