ni Ed de Leon
HALINHINAN kung makatalik ng isang baklitang director ang mga bagets niyang stars sa indie pero hindi naman umaangal ang mga iyon. Iyon ay masasabing sexual abuse pero with consent.
Payag sila dahil kasama naman silang lagi sa lahat ng proyektong gawin ni direk. At alaga naman sila niyon sa set at kahit na tapos na ang shooting ng kanilang mga gay series. Isa pa, pareho rin naman ang dalawang male starlets na umaaming sila ay BI-curious. Kaya ok lang sa kanila ang makipagtalik kay direk at sa isa’t isa. Bukod doon, binabayaran pa sila ni direk para sa kanilang extra service. Mas malaki pa nga raw ang bayad ni direk sa extra kaysa bayad nila sa kanilang pagiging artista sa indie.
Kung tutuusin maski ang mga ganyang bagay ay hindi dapat kunsintihin pero ano nga magagawa mo kung wala namang complainant.