I-FLEX
ni Jun Nardo
PINAGLARUAN ang nakuhanang video ng actress-councilor ng Pasig City na si Angelu de Leon na namimigay ng gulay sa contituents.
Biro ng isang netizens, namimigay si Konsi Angelu para panoorin ang GMA series na kinabibilangan niya, ang Pulang Araw.
May isa namang nagsabi na eleksyon na next year kaya indirect campaign ang ginawa niya. Pero ang ikinawindang namin, may komento na, hindi magkaterno ang mga gulay na sitaw at upo.
May sagot na si Konsehal Angelu sa mga basher niya pero wala kaming nakita sa socmed accounts niya.