I-FLEX
ni Jun Nardo
NAUUSO ba ang salitang Maka ngayon sa mga GenZs? Knows mo na ito, Ms Ed?
Ang Maka kasi ang bagong Gen Z series ng GMA Public Affairs. Pagbibidahan ito ng Sparkle young stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa.
Kasama rin nila ng teen stars na sina Olive May, John Clifford, at Dylan Menor.
Bago mapasok sa series, dumaan ang lahat sa auditions kaya naman tuwang-tuwa silang mapabilang sa seryeng ito.
O mga Gen Zs, para sa inyo ang bagong series na Maka mula sa GMA Public Affairs.