Sunday , December 22 2024
A Night with Vilma Santos Exhibit

Vilma nagulat sa mga picture na naipon at makikita sa exhibit

HATAWAN
ni Ed de Leon

A Night with Vilma, iyon ang kanilang invitation para sa opening ng isang exhibit na makikita ang memorabilia ng Star for all Seasons na si Vilma Santos na matiyagang inipon ng kanyang mga supporter.  Nagtulungan ang Archivo 1984 at ang Sofia at ilan pang samahan para mai-mount ang exibit na iyon na tatagal ng dalawang linggo. At matindi ang kanilang katuwaan dahil nakuha nila ang commitment ng star for all seasons na dadalo sa opening day at magkakaroon ng isang talk back na sasagutin ang mga katanungan tungkol sa exhibit na iyon at ang mga nakalagay doon.

Nang dumating si Ate Vi siya mismo ay nagulat dahil sabi nga niya, ”hindi ko akalaing may taong makakapag-ipon ng ganyan, kasi ako nga mismo wala ako ng mga iyan. Bigla naman akong nainggit sa kanila,” sabi niya

Nakita pa niya ang isang picture niya na natatandaan niyang kuha ng batikang photographer at cinematographer na si Romy Vitug . Sabi niya,”puwede ko bang bilhin ang picture na iyon?” 

Kaya lang exhibit lang daw iyon at ayaw nilang ipagbili ang mga naka-display doon. 

Inisa-isang tiningnan ni Ate Vi maging ang mga naka-display na still pictures ng kanyang mga pelikula at sa bawat isa ay may kuwento siyang naaalala.

Maganda nga ang exhibit. Tama ang kuwento sa amin ni Jojo Lim ng VSSI na 

bago pa iyon ay sumilip na noong nakaraang gabi pa sa inaayos pa lang na exhibit. 

Pero kung tutuusin, marami pang maaaring isama roon. Hindi nila naisip na humiram kay Ate Vi kahit na ilan lang sa kanyang acting trophies para isama sa display. Hindi nila naisip na manghiram ng mga damit na nagamit na niya sa mga okasyon at inilagay sana nila sa mga mannequin para nakita ng fans. Marahil dahil mga bata pa kasi sila hindi rin nila alam na noong araw ay may sumikat na Vilma Santos dolls. Parang Barbie rin iyon na iba-iba ang bihis at ayos. Mayroon pa nga kaming natatandaang Darna at Dyesebel dolls. At alam namin kung naghanap lang sila, may mga Vilmanian na tiyak nakapagtago ng mga iyon at magpapahiram naman kung sasabihing para sa exhibit.

Sana rin sa susunod makipag-collab sila sa isang university kagaya halimbawa ng UST para roon ilagay ang exhibit. Mas maluwag, mas maraming mailalagay at mas maraming makakikita dahil tiyak dadagsain ng mga tao. Iyon nga lang tiyak na pagod din ang curator nila.

Napansin namin, isa lang ang problema, maliit ang gallery para sa ganoon kalaking exhibit

Nang magpasukan ang mga tao, hindi ka na halos makakilos sa loob ng gallery.

Nagulat kami, may lumapit sa amin na nagpakilalang Vilmanian daw sila at nagbabakasyon lang sa Pilipinas dahil sila ay naninirahan sa Japan. Nagulat kami at kilala nila kami, nakipag-selfie pa. Mayroon pang galing daw sila sa US at talagang sumugod doon para makita nang personal si Ate Vi, nakipag-selfie rin sa amin. 

Nakagugulat at kilala kami ng mga nasa abroad na hindi naman namin kilala. Tapos sabi pa sinusubaybayan daw nila ang aming column dito sa Hataw dahil alam nila na malalaman nila sa amin ang latest at kung ano ang totoo tungkol kay Ate Vi.

Wala mang kopya ng Hataw sa abroad, nababasa naman nila on line.

Tapos may nagsabi sa amin gumawa raw pala sila ng survey sa mga Vilmanian sa PIlipinas at sa abroad at lumabas sa kanilang survey, na kami ang paborito ng mga Vilmanian. 

Iyong second placer ang layo ng score talaga,” sabi pa nila. “Kaya sila nagpa-picture pati sa iyo,” sabi pa sa amin.

Nagpapasalamat naman kami sa mga Vilmanian kung totoo nga. Iyong inyong suporta sa aming mga babasahin at sa lehitimong media at iyong tiwala rin naman sa amin ni Ate Vi ang siyang dahilan kung bakit naihahatid namin sa inyo ang totoong balita.

Hindi po kami nagba-blog, ang isinusulat namin ay para sa mga lehitimong diyaryo lang kagaya ng Hataw at ang isa pa namin diyaryong sinusulatan.

Salamat po sa inyong tiwala. Nakatataba naman ng puso.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …