Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raffy Tulfo

Talent/researcher na nagreklamo tinanggal; Sen Raffy pinasususpinde TV5 program manager

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI pa natatapos ang kaguluhan sa GMA 7 dahil sa sinasabing panghahalay ng dalawa nilang independent contractor sa kanilang star na si Sandro Muhlach. Umarangkada naman ang reklamo ng isang talent laban sa isang program manager ng TV5.

Inireklamo ng panghahalay ng isang talent/researcher ang kanilang program manager ng panghahalay. Ang nakatatawa dumulog iyon kay Senador Raffy Tulfo na ang programa ay nasa One PH na sister company ng TV5.

Pero may order daw ang TV5 management na huwag magbibigay ng anumang statement tungkol sa reklamo hanggang hindi natatapos ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Nagsalita naman si Senador Tulfo, kung pagtatakpan ng TV5 ang inirereklamong program manager, magre-resign na lang siya sa kanyang programa sa radio sa sister company ng TV5.

Ewan kung ano ang mangyayaring kasunod pero ang balita na-terminate na ang independent contractor na nagsumbong kay Tulfo.

Hiniling din ni Sen Raffy sa TV5 management na suspindehin muna ang program manager habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …