HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY award na natanggap si Gerald Anderson mula sa Philippine Coast Guard dahil sa kanyang ginawang pagliligtas ng mga pamilyang biktima ng baha noong kasagsagan ng bagyong Carina. Pinagkalooban siya ng PCG ng “Search and Rescue” medal. Iyon ay isinabit sa kanya ng mismong Commandant ng Coast Guard na si Admiral Ronnie Gil Gavan.
Sa kasagsagan ng bagyong Carina nang wala nang mangahas na magsagawa pa ng rescue sa mga kababayan nating nalulubog sa baha, si Gerald bilang isang reservist ng Cost Guard ay buong kabayanihang nagsagawa ng rescue oprations kasama ang ilan niyang mga kaibigan. Ilang pamilya rin iyong nailigtas nila gamit ang isang maliit lamang na life boat diyan sa Biak na Bato sa Quezon City. Kabilang pa sa nailigtas nila ang isang batang dalawang taong gulang lamang at ayaw nang tumigil sa kaiiyak dahil sa takot sa malalim na baha.
Hindi sila tumigil hindi alintana ang sariling kaligtasan hanggang hindi nila nailigtas ang lahat ng mga biktima ng baha sa lugar na iyon. At least, kinilala na siya ng Coast Guard. Iyong Quezon City government, hindi ba nila pararangalan angaktordahil sa kabayanihan nito?