ISINALANG niSen. Risa Hontiveros si dating presidential spokesperson lawyer Harry Roque, accountant Nancy Gamo at iba pang resource persons kaugnay ng ilegal na aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Bamban, Tarlac, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa senado kahapon, Lunes, 29 Hulyo 2024.
Inihayag ni Hontiveros ang kasiyahan sa pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na complete ban laban sa POGO sa bansa, ngunit bilang chairperson ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, kailangan umanong ipagpatuloy ang imbestigasyon.
“Gusto ko nang tapusin ang pagdinig pero hindi natin ito maisasara nang hindi natin nadedetermina kung sino ang responsable sa karumal-dumal na operasyon na nagresulta sa pagpapahirap sa ating mga kababayan. Hindi puwedeng basta na lang silang magsasara matapos nilang punuin ang kanilang mga vaults ng bilyones mula sa panloloko at pasakit sa marami. Hindi iyon hustisya (“I want to close this hearing but we can’t close this hearing when we haven’t fully determined who is responsible for these heinous operations that brought torture to our countrymen. They just cannot close shop after filling their vaults with billions gained from scamming and the pain of others. That would not be justice.”), ani Hontiveros.
Ayon sa senadora, hindi maglalaon at mahuhuli rin ng mga awtoridad ‘yung mga nagtatago.
“Guo Hua Ping, you blatantly lied to this committee. You blatantly defied the subpoena and contempt citation. You may be able to hide now, but you will not be able to hide forever,” dagdag ni Hontiveros.
Samantala, itinanggi ni dating presidential spokesperson lawyer Harry Roque na pag-aari niya ang bahay sa isang exclusive subdivision sa Tuba, Benguet na sinalakay ng mga awtoridad nitong nakaraang weekend.
Sinabi ni Roque sa mga senador sa ika-limang public hearing ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nitong Lunes, na namalagi siya sa nasabing bahay matapos ang kanyang panunungkulan sa gobyerno, ngunit ito ay nakarehistro sa isang korporasyon.
“I do have an interest in the corporation that owns it but the house is not in my possession. As of January 2024, the house was leased by a Chinese national who has a 9G working visa, meaning, she has a right to be in the Philippines,” paliwanag ni Roque.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) intelligence division chief Fortunato Manahan, Jr., naaresto nila ang isang Cambodian at babaeng Chinese na konektado sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Bamban, Tarlac sa nasabing pagsalakay sa Benguet.