Friday , November 22 2024

Pagkahulog ni Herlene pinag-usapan

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY nagtatanong, ano ang masasabi mo sa “tie awards?” Hindi namin alam iyan at wala kaming pakialam diyan. Kasi ayaw naming pakialaman ang hindi naman namin pinaniniwalaan. Ang alam lang namin iyong necktie, iyong bow tie o iyong Shoe tie pero iyang awards na tie hindi maganda iyan. 

Psychologically ang ibig sabihin niyang mga tie ang gumawa ng desisyon ay hindi sigurado sa kanilang sarili kaya hindi sila makagawa ng isang definite decision kaya nagdedeklara sila ng tie. Kahit na sa basketball nga walang tie eh. Hindi ba nagkakaroon ng extention ang laro to break the tie? Kung triple tie naman may ginagawa silang sistema iyong Asian Quotient system to break the tie. Hindi ba maski na iyong mga taong relihiyoso nagdedebosyon kay Mary Untier of knots. Hindi kasi tama talaga iyong tie. Kung grammar naman iyong tie ay ginagamit para hindi na makatakas ang mga alagang hayop tulad ng aso, baboy, baka o ano pa mang itinatali at isinosoga sa damuhan. 

Kaya kami talaga ayaw namin ng tie. Pero may nagsasabi naman na malaki ahg pakinabang ng tie dahil sa halip na isa lang puwedeng dalawa o tatlo ang magpasalamat.

Maski na anong contest may tie breaker kadalasan ang presidente ay hindi pinaboboto at pabobotohin lang siya kung may tie. Sa mga korporasyon, ang chairman of the board ang tie breaker. Sa Comelec nagto-toss coin kung may tie. Pero ewan kung bakit may mga taong mahilig sa tie talaga. Pero hindi na natin dapat pansinin iyon matatanda na sila bahala na sila sa buhay nila. Ang pag-usapan na lang natin iyong nahulog sa stage si Herlene Budol dahil mas issue iyon sa mga tao. Mas pinag-usapan iyon kaysa tie awards.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …