Friday , November 22 2024
Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? Kung sa bagay, kung tatakbo siyang mayor ng Maynila llamado na siya sa laban dahil napatino naman niya ang lunsod noong panahon niya. Nasira lang nga ang diskarte nang bigla siyang tumakbong presidente noong nakaraang eleksiyon eh hilaw na hilaw pa ang kanyang dating. 

Kung ginawa niya ang unang plano na tinapos muna niya ang tatlong term bilang mayor ng Maynila at saka siya tumakbo bilang presidente sa 2028, baka mas malaki ang pag-asa, lalo na ngayong nagkakasiraan na ang mga tradisyonal na politiko at kinukuwestiyon na ang mga confidential funds ng isang pamilya, at ang deal nila sa China. Kaya na ni Isko na labanan iyan, kaso nagmadali siya eh. Nasulsulan din siya ng ilang supporters na kaya na niya hindi niya alam ang maniobra ng mga makakalaban niya malayo pa ang eleksiyon. Wala siyang naging matinong political adviser.

Nakita na niya ang nangyari noong una siyang humarap sa isang national elections nang makumbinsi siyang tumakbong Senador na lang muna dahil kailangang tumakbo ulit si Erap bilang mayor, nangamote na siya, tapos lumaban pa siyang presidente. Si Isko iyong example ng isang politikong may kakayahan, masyado lang nagmadali.

Ngayon tiyak na makakalaban niya ang incumbent mayor na inendoso niyang kahalili, si Honey Lacuna. Pero palagay namin mas malakas pa rin si Isko kaysa kay Lacuna kung sa Maynila lang. Kailangan ni Lacuna ng loyalty check, dahil ang mga kapitan ng barangay na naka-puwesto ngayon ay mga tao pa rin ni Isko. Sila rin ang sumuporta kay Lacuna noong nakaraan kaya noong eleksiyon ng barangay natural sila rin ang dadalhin ni Lacuna, hindi naman niya iniisip na matapos ang isang term ay tatakbong muli si Isko na kung mangyayari sa aktor/politiko lahat ang mga iyan.

Tiyak na ang artista ring si Yul Servo ay maaaring sumama kay Isko dahil alam naman niya ang puwersa niyon sa mga Manileno. At siya man naging vice mayor siya dahil inendoso ni Isko.

Noon ang sabi ni Isko pahinga na siya sa politika kaya ang anak naman daw niyang si Joaquin ang tatakabong konsehal, pero ewan kung bakit maugong ngayon na babalik din siya bilang mayor ng Maynila.  Kung sa bagay, maganda ang kinabukasan ng Maynila basta natuloy na ang reclamation ng Manila Bay. Isipin ninyong halos madodoble ang laki ng lunsod ng Maynila. At saka bagama’t bahagi rin ng west Philippine Sea, wala namang isla na inaagaw ng China malapit sa Maynila. Safe pa rin ang Maynila, nandoon din ang US Embassy kaya makakapasok ba ang China sa lugar na iyon? Sige na nga Isko bumalik ka na sa Maynila botante pa rin kami sa lunsod at siguro sa nakita naming pagbabago sa nakarang dalawang taon, gugustuhin ka pa rin naming ibalik.

About Ed de Leon

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …