Sunday , December 22 2024
First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng mga modernong Mobile Clinic para sa malalayong lalawigan sa Luzon, upang ipalapit sa mga mamamayan ang pagbibigay ng modernong pagpapagamot sa ilalim ng programang “Bagong Pilipinas”.

Malaking tulong ito upang patuloy na mailapit ang serbisyong pangkalusugan para sa mga taga-lalawigan na naninirahan sa malalayong lugar, lalo’t higit na ang pangunahing layunin ng Unang Ginang ay bigyan ng dekalidad na health care system ang bawat Filipino.

Kargado ang bagong mobile clinic ng medikal na kagamitan gaya ng ultrasound, X-ray, cholesterol and glucose monitors, 12-lead ECG, clinical hematology analyzer, microscope, spiro­meter, infrared forehead thermometer, at generator.

Ang distribusyon ng mga mobile clinics ay bahagi ng collaborative effort sa pagitan ng Unang Ginang at ng Department of Health (DOH) at sa pakikitulungan ng Local Government Units, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Act Agri-Kaagapay Organization.

Ang inisyatiba ay nasa ilalim ng “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” or LAB program, na isang healthcare project na pinasimulan ng supportive at compassionate na kabiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at inilunsad kamakailan sa Maynila.

Ang naturang kontribusyon ay naka-align sa dedikasyon ng pamahalaan sa universal health coverage, na isang mahalagang aspekto sa pagkakaloob ng mga modernong medical at health care sa mga Pinoy, partikular sa mga magsasaka at yaong nasa malalayong lugar.

Binigyang-diin din ni Unang Ginang Liza ang kahalagahan ng pagkakaroon ng accessible healthcare para sa mga Pinoy.

Alinsunod sa bisyon na ito, ang mga mobile clinics ay may mahalagang papel sa pagkakaloob ng preventive health services direkta sa mga komunidad.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …