Monday , April 28 2025
Vilma Santos

Ate Vi dadalang paggawa ng pelikula ‘pag tumakbo uli

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG isang gabi ang kasama naming nag-dinner ay isang true blue blooded Noranian, ang matagal na naming kaibigang si Ismaelli Favatini. Noranian

talaga siya, balatan mo man iyan si Nora Aunor pa rin ang lalabas sa kalamnan at dugo niyan pero hindi siya bastos na gaya ng iba.

Sa pagkukuwentuhan namin dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita dahil sa Bataan na nga siya umuuwi na sabi nga niya, “wala nang kabuhay-buhay ang showbusiness dito.” Kung saan-saan na umabot ang aming kuwentuhan, pati na sa mga diyaryong ayaw magbayad ng writers kaya sabi niya suwerte kayo sa Hataw dahil may respeto sila sa writers. Kasi naman ang mga namamahala sa Hataway mga totoong peryodista, hindi mga peryodistang bulaga lamang na ang hangad lang ay magkapera.

Tapos natanong niya sa amin, tatakbo bang governor ulit ng Batangas si Vilma Santos?

Sabi nga namin hanggang ngayon ay wala pang naririnig na balak si Ate Vi na muling bumalik sa politika pero sa pagyayao’t dili namin sa Batangas dahil sa mga simbahang pinupuntahan doon at mga kaibigang pari. Ang dinig namin ay napakalakas ng petisyon na muli niyang pamunuan ang lalawigan ng Batangas. Noon kasing panahon niya bilang gobernador ay mas maluwag ang buhay ng mga tao, maraming nahihingan ng tulong at hindi maikakailang noon ay lumakas pati ang debosyon sa Mahal na Birhen sa Batangas dahil deboto nga rin si Ate Vi. Pero iisipin ninyo ano nga ba ang interes ng isang Noranian kung maging gobernador ulit ng Batangas si Ate Vi, lalo’t siya naman ay taga-Bataan?

Kung si Ate Vi nga naman ay muling magiging busy bilang gobernador ng Batangas tiyak na bihira na naman siyang makagagawa ng pelikula. Hindi na obvious na talagang naiiwan niya si Nora. Kung maging governor nga si Ate Vi at mahirang pa siyang national artist masasabi nilang nakalusot lang naman siya dahil sa politika. Kung public servant na ulit si Ate Vi, hindi na masyadong magiging issue kung national artist man siya kasi iba na nga ang kanyang interes. Tiyak iyon mas uunahin na niya ang serbisyong bayan kaysa magdi-display sa mga cultural function, na alam naman nating biglang dadami oras na maging national artist siya, hindi lamang dahil siya ay sikat kundi dahil maganda siyang talaga. Iyong mga artist na magaganda siyempre iyan ang gusto nilang makita sa mga function kaysa mga uugod-ugod na naka-wheel chair at hindi na halos makapagsalita dahil nauuna na ang hingal. Kaya hindi kami magtataka kung gustuhin ng mga Noranian na maging public official na uli si Ate Vi, mababawasan kasi ang iniilusyon nilang kompetisyon pa sa kanila. Hindi kami magtataka kung may magtirik man ng kandilang pula at berde sa labas ng simbahan ng Quiapo, roon sa tabi ng mga manghuhula at nagtitinda ng mga halamang gamot para suwertihin sa politika si Ate Vi. Baka nga may lumalakad pa sa kanila ng paluhod.

Iyon na lang kasi ang natitira sa labanan iyong maibang muli ang mundo ni Ate Vi. Oo mananatili pa rin siyang aktres pero dahil may iba nga siyang pinagkaka-abalahan hindi siya masyadong magiging visible na kagaya ngayon na nakapupunta pa siya sa mga talk back kung may ipinalalabas na mga klasikong pelikula niya. Hindi magkakaroon ng comparison sa kanila dahil si Nora nga hindi na halos makapagsalita wala nang boses at hinihingal pa. Kailangan pang may taga-tulak ng wheel chair at may dalawang aalalay kung tatayo at maglalakad.

Hindi mo naman maiiwasan iyon, matanda na rin naman si Nora at lahat naman ng tumatanda umaabot sa ganoong sitwasyon lalo pa nga sa kaso niya na marami nang sakit.

Ang kuwento nga ni Ismaelli, “ako rin marami nang sakit pero ikaw nga masyado kang malakas sa itaas isipin mo ang mga pinagdaanan mo hanggang ngayon malakas ka pa rin,” at maidagdag ko lang, hindi tumalab sa amin ang itinitirik ng kulto na kandilang itim na hugis tao. Hindi talaga tumatalab ang ka-demonyohan sa matinong tao.

About hataw tabloid

Check Also

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Pagkanta ng mga Noranian ng Superstar Ng Buhay Ko nakaaantig ng puso

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI inalintana ng magkakapatid na  Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon at …

Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe may cryptic post, patama kay Kyline?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI ang nag-react sa tila pasaring na post ni Kobe Paras using the …

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …