Tuesday , May 13 2025
First Lady Liza Araneta-Marcos Pasig River Esplanade

Pasig River Esplanade pasyalang paraiso sa Pasig River –  First Lady

NAGBIGAY ng buong suporta si First Lady Liza Araneta-Marcos para mapadali ang ginagawang Pasig River Esplanade sa kahabaan ng Pasig River na maituturing na isang tourist destination tulad ng Seine ng Paris at ng River Thames sa London.

Si First Lady at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay pinangunahan ang inauguration ng 500-metro showcase sa Plaza Mexico, malapit sa Post Office sa Maynila, kamakailan lamang.

Pasyalang mala-Europe ang vibes pero nasa Maynila lang! Iyan ang Pasig River Esplanade na bahagi ng proyekto para muling buhayin ang Ilog Pasig.

Ang beautification project para sa 25-kilometrong haba ng Pasig River Pathway ay isa sa mga prayoridad  na proyekto sa ilalim ng Office of the First Lady, katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

“Rest assured that apart from our enthusiasm and optimism, the First Lady and I will provide our all-out support and commitment to the completion of this project, and hopefully in three years’ time, that will be our goal,” pahayag ng Pangulong Marcos sa inauguration ceremony.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na naging bahagi na ng kanyang paglaki ang Pasig River dahil sa tabi nito sila nakatira noong nasa Malacañang pa ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

Kaya panahon na, ayon sa Pangulo, para ayusin at pagandahin ang Pasig River at gawing pasyalan at sentro ng turismo habang pinalalakas ang paggamit ng transportasyon sa pamamagitan ng libreng sakay ng motorboat.

Pinatunayan lang nila na walang imposible basta ginusto, pinagsikapan, tuloy-tuloy at tulong-tulong na isinulong ang nasimulan.

Ang pagpapaganda sa Pasig River ay pinangangasiwaan ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development at kasamang tumutulong dito si First Lady Liza.

About hataw tabloid

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …