MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPAPASALAMAT si Senador Lito Lapid sa mga manonood ng Batang Quiapo na natutuwa at kinikilig sa tambalan nila ni Lorna Tolentino.
Pero klinaro ng senador na hanggang FPJ’s: Batang Quiapo lang at hindi sa totoong buhay ang tambalan nila ni Lorna.
“May love team pa pala ang mga senior citizen.
“Wala na kasing KathNiel, break na sila. Kaya ang atin na ang kinagat,” pabirong pahayag ni Senator Lito.
Dagdag pa nito, “Akala ko ako lang ang Marites. Marites din pala kayo riyan.
“Hindi po. Primanda lang po.
“Salamat po sa sumusunod at sumusuporta sa team namin ni Lorna Tolentino.”
Labis-labis ang kasiyahan ni Sen Lito dahil marami ang natutuwa sa tambalan nila ni Lorna.