HATAWAN
ni Ed de Leon
ABA nagsisimula na palang magtayo ng kanilang magiging tahanan sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Kasal na nga naman sila at may anak na. Kailangang isipin na nila ang kanilang kinabukasan.
Hindi nila sinabi kung saan ang itinatayo nilang bahay, pero may picture ang mag-asawa sa ground breaking. Mukhang tuloy-tuloy na ang construction dahil naharangan na ang sakoap ng kanilang lupa. Mukhang hindi magtatagal at doon na sila titira.
Matagal ding naghintay si Jen at lumalabas namang hindi siya nagkamali sa pagpili kay Dennis na pinangatawanan naman ang pagiging tatay ng kanilang anak.
Halata mo rin ang pagsisikap ni Dennis para sa kanilang kabuhayan. Suwerte naman sila sa isa’t isa.