Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Blogger binantaan si male star nang ‘di pumayag sa ‘ipinagagawa’

ni Ed de Leon

SABI na sa inyo eh huwag kayong magpapaniwala agad sa mga nakikita ninyo at nababasa sa internet. Minsan matatawa ka sa mga blogger, ang dami-dami nang nasabi pero hindi pa mabanggit ang pangalan ng ibinabalita nilang stars, kasi kung sasabihin nila agad kung sino at hindi naman pala sikat iyon, hindi na tatapusing panoorin ang kanilang video, paano naman sila kikita?

Ang mas nakatatawa pa iyong pagbanat ng isang blogger sa isang baguhang artista. Hindi namin malaman kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa baguhan. Later on kaya pala siya galit ay hindi siya binayaran niyon para sa mga ginawa niyang blogs pabor doon. Eh ano ba naman ang aasahan niya, hindi pa naman sikat ang artista, at ang nilabasan lang naman ay isang show sa isang baryo sa Laguna eh magkano lang ang bayad, tapos ibibigay pa niya sa blogger?

Sana maging reasonable naman sila.

Mayroon pang isang kuwento, talagang pinipilit daw ng isang blogger ang isang male star na magpakuha sa kanya ng picture na nakasuot lamang ng briefs. 

Ang sabi pa daw ng blogger, ibaba lamang niya ang kanyang pantalon ok na, pero hindi pumayag ang male star na ang feeling ay binabastos ang kanyang pagkatao.

Nagalit daw ang blogger at nagbantang iba-blog ang male star na naging kabit na ng maraming bakla.

Tama ba iyon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …