Sunday , December 22 2024
Ron Angeles

 Ron Angeles masaya sa nominasyon sa 40th PMPC Star Awards for Movies

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI maitago ni Ron Angeles ang labis-labis na kasiyahan sa nominasyong nakuha niya sa 40th PMPC Star Awards for Movies for New Movie Actor of the Year para sa pelikulang Mallari.

Sa loob ng anim na taon niya sa showbiz ay ngayon lang siya na-nominate. 

Nagpapasalamay ito sa kanyang napaka-generous na manager na si Bryan Dy ng Mentorque Productions na siyang gumagabay sa kanyang showbiz career.

Post nito sa kanyang Facebook, “6 years in the showbizz industry and this is the first time i received a nomination as “new movie actor of the year” from Philippine Movie Press Club (PMPC). 

“Wala po akong ibang masabe kung hindi taos pusong pasasalamat gagawin ko itong inspirasyon upang patuloy na pagbutihin at mas lalong galingan sa talentong meron ako . Maraming salamat po sa pagtitiwala dito palang ay sobrang nagagalak na ang aking puso isang karangalan na ako ay maging isa sa mga nominado. Mabuhay po kayo @PMPC.

“To my MALLARI, Mentorque family and esp to my manager Bryan Dy maraming salamat po sa inyong lahat ! Cheers 🍻

Ang nasabing nominasypm ang magiging inspirasyon niya para paghusayan pa ang pag-arte sa mga trabahong ibibigay sa kanya.

Sa ngayon ay regular na mapapanood si Ron sa Pamilya Sagrado sa ABS CBN kasama ang co-actor niya sa Mallari na si Piolo Pascual na nominado naman sa Best Actor Category sa 40th PMPC Star Awards for Movies.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …