Sunday , December 22 2024
Globe SeniorDigizen campaign sa Pasig City Tulong sa mga nakatatanda na yakapin ang teknolohiya

Globe #SeniorDigizen campaign sa Pasig City: Tulong sa mga nakatatanda na yakapin ang teknolohiya

MINSAN nang nabiktima si Tessie Lumacan, 61, ng phishing scam. Dahil sa isang mensahe mula sa na-hack na Facebook account ng kanyang kapatid, nagpadala siya ng pinaghirapang pera noong namamasukan pa siya sa Hong Kong.

Ang karanasang ito ay nag-iwan kay Lumacan, ng Pasig City, ng pangamba sa pakikipag-ugnayan online at nagpapaalala sa kanya ng kahalagahan ng digital literacy.

Kaya naman ang Senior Digizen Learning Session ng Globe ay naging isang oportunidad para sa kanya at iba pang mga nakatatanda para matutunan kung paano makaiiwas sa scam at magamit nang epektibo ang digital tools.

Kamakailan, dinala ng Globe ang Senior Digizen campaign sa San Miguel Elementary School sa Barangay San Miguel, Pasig City, na nasa 80 mga senior mula sa iba’t ibang barangay ng Pasig ang nagtipon sa kalahating araw ng pag-aaral ng digital skills.

May 45 Globe volunteers na umagapay sa mga senior habang tinuturuan sila ng paggamit ng mobile phones at apps gaya ng GCash at KonsultaMD, pati mahahalagang kaalaman tungkol sa cybersecurity.

Nagpasalamat si Pasig City Councilor Paul Roman Santiago sa Globe sa pagdadala ng programa sa lungsod. Aniya, mahalaga ang digital literacy para sa mga nakatatanda sa gitna ng paglaganap ng mga scam.

Para kay Lumacan, nakatulong ang Senior Digizen Learning Session para mas makapag-ingat laban sa scam.

Kahit ‘yung mga tumatawag, sabihin ‘Congratulations, nanalo ka!’ hindi ko na ‘yan gagalawin, hindi ko na pipindutin ‘yung link kasi na-phobia na ako riyan. Kaya at least alam ko na ngayon,” aniya.

Sumang-ayon dito ang dating guro at call center agent na si Elda Hernandez, 61. “Phishing, smishing, vishing. ‘Yung differences nila natutunan ko, how to avoid them, pagpasok sa telepono mo ng mga messages. You have to be careful about clicking the links that they send you,” ani Hernandez.

Pareho rin nilang ibinahagi ang kanilang natutunan tungkol sa GCash at KonsultaMD. “Paying your bills, you can send money to others, you can receive money from your bank to your GCash, even from abroad,” sabi ni Hernandez.

Ang hirap pumunta ng mga doktor eh, ang lalayo ng mga ospital, clinic, kaya siguro mas madali para sa akin ‘pag nag-consult ako via online, mas hindi kami hirap, hindi kami pagod ‘di ba?” dagdag pa ni Lumacan.

Tulad nina Lumacan at Hernandez, ang pag-aaral tungkol sa GCash at KonsultaMD ay napakahalaga rin para kina Alleili Canilla, isang 72-taong gulang na retiradong communication professional mula Barangay San Miguel, at 67-taong gulang na si Rafael Yamio mula Barangay San Jose.

Ang pinakamahalagang lesson na natutunan ko sa inyo ay tungkol doon sa GCash. Actually, ‘di ko alam ang GCash noon, ngayon alam ko na. At saka ‘yung mga consultation sa mga doktor,” sabi ni Canilla.

Ikinuwento naman ni Yamio na natulungan siya ng sesyon na mabawi ang kanyang GCash account.

Nawala ‘yung GCash noong isang beses sa cellphone. Tapos na-recover ko rin. Doon sa speaker, doon ko lang nalaman na ‘ah, pwede palang ganito’,” pahayag niya.

Ayon kay Yamio, mahalaga ang Senior Digizen Learning Session para sa mga nakatatanda lalo na sa kasalukuyang panahon.

Kailangan mong matuto para sa sarili mo, hindi para umasa ka sa anak, sa kapitbahay, o sa kaibigan,”diin niya.

Ang feedback mula sa senior ay nagpapatunay sa kahalagahan ng mga inisyatiba tulad ng #SeniorDigizen campaign, na bahagi ng mas malawak na digital inclusion program ng Globe. Layon ng kampanya na tulungan ang seniors na maranasan ang mga benepisyo ng paggamit ng digital technology at makaiwas sila sa mga scam. 

Bilang bahagi ng pagsisikap na makamit ng bansa ang digital inclusion at mapabilis ang digitalization, nais naming tulungan ang ating senior citizens na makaagapay sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Nais din naming mawala ang kanilang pangamba sa teknolohiya at maprotektahan sila mula sa mga panganib online” ani Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …